To our dearest Superman,
Siyempre, una, happy birthday. Second birthday mo na ata ‘to, I think na hindi tayo magkakasama. Ayaw mo rin namang magpabati sa Facebook. HAHAHA. Syempre malungkot. Hindi ka rin namin napaghandaan ng kahit ng video para ngayong birthday mo. Ayaw mo rin naman kasing ipaalam na birthday mo. -.- Adik ka ba? LOL.
Anyway, thank you for being the BEST papa/papi in the world, SYEMPRE. Thank you sa pagbibigay lahat ng pangangailangan namin, sobra-sobra pa. Thank you sa lahat ng sakripisyon effort na ginagawa mo para sa amin. SOBRANG THANK YOU. Sorry din siyempre kung minsan hindi namin nasusunod ang gusto mo, or hindi ka namin madalas makausap, kahit minsan nasa bahay lang naman kami. Sobrang na-mimiss ka na namin nila mama. Siyempre, ngayon lang naman ikaw nalayo sa amin ng ganitong katagal, and we still don’t know kung kelan pa talaga tayo magkakasama-sama ulit talaga. Pero sana malapit na, SANA. Miss na miss ka na kasi namin, kahit ba lagi naman tayong magkakausap. Iba pa rin kasi pag magkakasama tayo. Namimiss ko na nga ‘yung kapag gabi mag-stroll lang tayo bago matulog, o kaya ‘yung tatakas tayo papuntang Balanga para lang kumain ng goto kahit hating gabi na. O ‘yung pangungulos mo pag magkakasama tayo sa kwarto na akala mo hindi masakit ‘yung pinaggagagawa mo sa’min. Kelan kaya ulit mangyayari? Uwi na kasi, ang tagal namin pumunta ‘jan eh.
Tama na ka-drama eh. Basta happy birthday. :) Hindi mo man mabasa ‘to, alam mo naman gaano ka namin kamahal. <3 Iloveyou and Imissyou papii.
Still, your one and only baby,
Tricia. :)
Dear mahalko,
SORRY, pero ako ang umubos ng yema na binili natin kagabi sa 7/11. HAHAHA. di ko natiis. Binigay ko naman kay mama eh, ‘yun lang. Inisa-isa ko rin. :(
Nagmamahal,
Patreng
Dear Josh,
Yehey, 14th month baby. :* Kanina lang, magkaaway nanaman tayo. Pati pagkakaroon ko nadamay, dahil naging moody kamo ko. WTF. lol. Hindi ko alam kung niintindihan mo ba ako o hindi. Malungkot na ako dahil 2 weeks n tayong di nagkikita, gusto kasi kitang makita. Nagulat ako nung sinabi mo kaninang magkikita tayo bukas, kaya tinanong ko pano? Sabay sabi mong sa skype, sabay tawa. Hindi ko alam bat nainis ka nung di ako natawa? Hindi ko kasi nakitaan ‘yun ng way para maging masaya ako, dahil una, nag expect ako na magkikita talaga, kahit imposible. Pero alam mo naman lagi akongnag eexpect sa bawat bagay na sinasabi mo. Sana lang alam mong malungkot ako. Siguro nadagdagan oo. Hindi ko alam bakit gusto mong maging masaya ako ganung hindi na nga magkikita, hindi na nga maceceleb. Eh, basta. Sige, hayaan nalang ulit ‘to. Masaya ako, masaya tayo. Happy monthsary eh. :)
-Pat.
Dear You,
Hi? Tulad ng sinabi ko, hindi na ako ulit nagtext pa. Wala na ko load eh! Pero siyempre, sinabi ko rin kasi. Magtetext ako sa Sabado, pag okay na siguro. Pero hindi pa ngayon.
Alam ko may mali ako. Napaka-babaw ng pinag-awayan natin. Pero alam mo kasi, magkikita tayo ngayon, tagal na nating sinabi para makabili tayo ng gamit dahil may pasok nanga kayo. Alam ko malayo ang binabyahe mo mula school, alam kong may kasabay ka rin pauwi. Kaya nga 2pm pa sana ako aalis dito dahil uwian mo. Pero ang sabi mo nga, wala kayong lab ng 11-2. Kaya uwian mo na. Pero hindi ka pa umuuwi, okay lang naman ‘yun. Maaga pa. Sinabi ko na bumili ka na ng gamit mo. Ang sabi mo lang sa Sabado nalang tayo bumili. Pero ang planonun, dito tayo sa bahay, gagawin ‘yung t-shirt mo diba? Basta magulo, magulo ang plano mo. Kaya hindi na ako tumuloy sa Balanga para magkita sana tayo. Tapos, itatanong mo sa’kin, anong problema ko? Wala. :) wala akong problema. :) hinayaan kita. Hindi ko alam kung nakalimutan mo na magkikita tayo. Pero sige, okay lang. Sayang kasi, hindi pa tayo nagkikita. Ang aga ng uwi mo, sandali lang naman, basta lang magkita. Pero wala eh.
Pero bakit ganun? Ako nanaman ‘yung mali? Gumawa lang naman ako ng paraan para magkita tayo. Isang linggo rin kasi akong nagpapaalam para lang maalala nila lagi na aalis ako ngayon araw, hindi mo pala maaalala. :’| Tapos ako pa rin mali. Bakit ganun, sinasabi mo bumalik ka na sa dating ikaw, pero bakit parang lalong lumalayo loob mo? ;(
Pumunta ka dito dahil alam mong masama ang loob ko, pero kanina pa naman, sinabi ko wag muna tayong magkita. Pero pumunta ka, at hindi ako lumabas. Sorry. Ayoko nalang muna kasi. Masakit, sobra. Alam mo kung madali lang makipaghiwalay eh. Hindi ko lang talaga kaya. Sorry kung hindi ako nagpakita, ha? Sana maintindihan mo ako, kahit ngayon lang. Ayoko nalang muna. Sana ‘yung mga ginagawa ko ngayon, maging positive para sayo, kahit ngayon lang. Gusto ko lang mag-isip isip ka muna. May ginagawa naman kasi akong TAMA, kahit minsan lang. Sana kahit minsan, maintindihan mo ako.
Ngayon pa lang namimiss na kita. Kaya lang magpapatuloy lang tayong ganto kung hahayaan ko lahat eh. Halatang halata na ‘yung mata ko dito kaiiyak. Hindi ko mapigilan kahit may ibang tao dito. Ang sakit kasi. Alam ko hindi mo naman mababasa ‘to, pero sana, malaman mo man lang, maramdaman mo, kahit ngayon lang.
MAHAL KITA, SOBRA.
-Pat.
Dear Boyfriend,
Tinulugan mo nanaman ako. -_______- usapan natin magpupuyat tayo, ikaw pa nag-aya. Ang alam ko, ako rin ‘yung inaantok na. Pero ikaw pa nauna. Ang sweet mo talaga. Hahaha. Anyway, nag-enjoy ako kanina sa unang beses kong pagpunta sa inyo, sobra. :) kahit napaka-weird mo kanina mula noong magkita tayo, ngiti ka ng ngiti sa akin. Halatang excited ka t masaya. Kanina lang kita nakitang gano’n. :”> Nakakatuwa rin na welcome na welcome ako sa family niyo lalo sa parents mo. Hindi ko naisip na ganoon ‘yung magiging pagtanggap nila sa akin kanina kahit hindi natin sinabing pupunta ako. HAHAHA. Feeling ko close na agad kami ni tita. Ang sarap niyang kausap. Si israel, akala mo hindi pa ako kilala, pangiti-ngiti lang habang kinakausap ako ng mama mo. Adik ata. LOLjk. Pati si KUYA, buti nalang okay din kasama. Iuuwi ko na kamo siya bukas, susunduin ko siya. :)) si Jetjet lang ang mahiyain talaga. Sabagay, bunso naman kasi. Pero ang cute cute niyo pag magkakasama. :”> nakakatuwa din kalaro ‘yung mga aso niyo, lalo si Yohan, close agad kami. Ang kulit lang niya. HAHAHA. Pauwi palang ako kanina namimiss ko na kayo. :( Promise babalik ulit ako agad dyan para makasama ulit ikaw pati sila. :) Miss ko na kayo agad.
-Pat. :) :*
Dear Ikaw, Hindi nanaman kita ni-replyan. Magkaaway nanaman tayo. Simpleng bagay, siyempre. Dahil lang sa late replies ko/mo?. At siyempre, ugali ko nanaman. Nagsabi-sabi ako. Naghintay kasi ako kaninang madaling araw hanggang 3am dahil sabi mo 4am kayo aalis although sinabi mong magpahinga nalang ako dahil masama ang pakiramdam ko. Alam mo namang hindi rin ako makakatulog sa sakit. Tapos ayun, 4am ka pala gigising. Nakatulog nalang ako. Pero nagtext ako sayo ng 3, baka kasi hindi mo lang ako tinext, nagbaka-sakali. Wala pa rin talaga. Akala ko pag-gising ko makakareceive ako ng sandamakmak mong text simula “Good morning pinakamamahalq. Iloveyousomuch. :)” mo hanggang sa kung aalis na kayo o nasaan na kayo ng ganitong oras dahil alam mong late na ako magigising. Akala ko lang pala. Siyempre may dahilan ka nanaman doon, sabi mo bala kasi magising ako kapag nagtext ka ng nagtext. Alam mo namang kahit 12469383729195920256 times kang magtext at tumawag pa, hindi ako magigising. Pero siyempre, di nanaman tayo nagkaintindihan. Nagtext ka ngayon kung nasaan na kayo pero “K” lang ang nireply ko. Siyempre nainis ka nanaman. Pero sasabihin mo hindi ka galit. Never ka kamong nagalit sa’kin di’ba? Tapos hindi na ako nagreply. Magtext man ako, buong araw nanaman tayong patamlayan sa pagtetext. Mabuti na siguro munang magpakabusy ka jan. Baka sakaling makabuti. Ingat kayo. -Ako.